Host: Ano ang pambansang hayop ng Pilipinas?

     Jaena High School: Clue?

     Host: Ito ay nagsisimula sa letrang "K".

     Jaena High School: Aaahhhh... "K"uto?

     Host: Hindiiii.... Eto pa ang isang clue. Katulong siya ng magsasaka sa pagbubungkal ng lupa.

     John Forward High School: Aaahhh.... "K"utonglupa...

     BEEEEEP...

     Host: Hindi.... Ang tamang sagot mga kababayan ay "K"alabaw...

     Host: O sige pumunta tayo sa susunod na tanong...

     Anong tawag sa mga taong nakatira sa Alaska? Clue: Magkasingtunog siya sa lotion na gamit ni     Vilma Santos.

     Siroullo High School: Eskinol?

     Host: Mali! Eto pang isang clue. Walang letrang "N" pero merong "M"

     Jaena Highschool: Eh di Eskimol...

     Host: Mali pa rin... Next question...

     Host: Sino ang pinakasexing artista natin ngayon na may film na Darna? Clue: Ang initials niya ay A.A.

     Siroullo High School: Si... Anthony Alonzo?

     Host: Hindi... Babae siya.

     Jaena High School : Si... Alicia Alonzo?

     Host: Mali! Susunod na tanong...

     Host: Ano ang pambansang ibon ng Pilipinas? Clue: Nagsisimula ito sa letrang "M"

     Siroullo High School: Aaaa eeehh... Manok?

     Host: Hindi... Mas maliit ito...

     John Forward High School: Maliit na manok...

     Host: Hindiiii... Kulay brown ito....

     Jaena High School: Aaaaaahhhh... Lechong manok...

     Host: Mali. Ang tumpak na sagot ay "maya."

     Host: Sunod na tanong...

     Host: Sino ang ating pambansang bayani? Initials niya ay J.R.

     Siroullo High School: Jeric Raval?

     Host: Hindi, doctor siya e!

     Jaena High School: Dr. Jeric Raval?

     Host: Hindi, patay na siya!

     Siroullo High School: Patay na si Jeric Raval!... (ay naku)

     Host: Jose Rizal ang tumpak na kasagutan. Sunod na tanong...

     Host: Ano ang pambansang kasuotan ng mga kababaihan? B.S. ang initials

     Jaena High School: Bathing Suit?

     Host: Mali. E, sa kalalakihan naman, ano ang tawag sa kasuotan. B rin ang simula.

     Siroullo High School: Brief?

     Host: Hindi, mas manipis pa ito...

     Siroullo High School: Bikini brief?

     Host: Mali... Baro at saya para sa babae at barong tagalog para sa lalaki. Huling tanong...

     Host: Sino ang concert queen ng Pilipinas?

     Siroullo High School: Clue?

     Host: Ang initials niya ay P.F.

     Jaena High School: Pernando Foe?

     Host: Mali!

     Jaena High School: A... e... , Jr.?

back to the list